Friday, November 13, 2015

Dalawampu't Isang Taon...


Ika-labing tatlong blog post sa ikalabing tatlong araw ng Nobyembre.... sa aking ika-dalawampu't isang kaarawan ng pagsilang....

Dalawampu’t isang taon.

Dalawampu’t isang taon ng buhay…
pasasalamat…
mga alaala…
mga biyaya…
pagkakaibigan…
pagmamahal...
pamilya…
pananampalataya…
pagngiti o pagluha…
pagtawa at kakulitan…
tagumpay o kasawian…

Dalawampu’t isang taon ng kalinga at pagmamahal ng Panginoon at ng Mahal na Birhen!

Unang pagkakataon ko ito upang maglathala ng blog sa araw ng aking pagsilang. Haaayyy paano nga ba sisimulan?

Nadagdagan na naman ako ng taon. Aba, nakaya kong umiral hanggang ngayon… bakit? Para kanino… para saan ba ako bumabangon? Tanong iyan ng isang patalastas ng kape. Simpleng tanong. Simpleng sagot ngunit may hugot…

Bumabangon ako para sa inyo, Panginoon. Ang buhay ko’y mula sa Inyo. Ang buo kong buhay ay biyayang kaloob… isang himala. Grabe, ang dami-daming tao ngunit heto ako… kasama ninyo… nabigyan ng pagkakataong mabuhay para madama ang pagmamahal ng Diyos! Gamitin Niyo ako bilang kasangkapan ng iyong kalooban… Ang buhay kong alay, maging larawan nawa ng iyong kalinga… mabuhay sana akong nakakapagpukaw sa iba upang makilala ka… Mahal na mahal kita, Jesus! Mahal na mahal kita, Inang Maria! Mula pagkabata ko, hindi niyo ako pinabayaan… ang dami kong dinanas ngunit hindi ako naligaw ng landas. Naging matatag ako dahil alam kong mahal niyo ako…

Bumabangon ako para sa inyo, mga kaibigan ko… Kayo ang bumuo sa akin… naging pamilya kayo para sa akin… sa paaralan man o sa simbahan, maging saanmang dako ng Pilipinas… hindi ko akalain na ang dami niyo pala…  ang dami niyong nagmamahal sa akin… wala na akong hihilingin pang iba… kayo na… kayo na talaga… salamat sa masaya nating samahan… mga kulitan, tawanan at kung anu-ano pa… maging sa panahon ng damayan… iyong pakiramdam na hindi ako nag-iisa dahil nandiyan kayo… mahal ko kayo!

Bumabangon ako para inyo, mga mahal ko sa buhay… Kayo ang naging daan ng Panginoon upang umiral ako… kayo rin ang nagbigay ng buhay para sa akin… kayo ang lakas at inspirasyon ko… kung wala kayo, paano na kaya ako? Maraming salamat sa kalinga, sa pagmamahal, sa pang-unawa, sa lambing… lagi kayong laman ng aking mga panalangin… iniingatan ko kayo sa aking puso… mahal na mahal ko kayo! Ako’y pinagpala na magkaroon ng Papa Rey at Mama Linda, Si Lola Loleng kahit na lubusan ko pa rin siyang namimiss dahil hindi ko na siya kapiling, si Lola Ene na walang sawa mag-asikaso… ng mga pinsan ..mga Tito at Tita…  walang perpektong pamilya ngunit nasa iisang kanlungan tayo ng pagmamahalan.

Ngayong taon rin ako muling bumalik sa pag-aaral. Salamat sa inyo, Ed101 sa masayang samahan… sa tiwala, sa kulitan… mas masayang mag-aral kapag kasama kayo… mag-aral tayong mabuti para sabay-sabay tayong makapagtapos at maging mga gurong huhubog sa kinabukasan ng ating bansa… maging masigasig tayo, habaan ang pasensya, at patuloy na ienjoy the fun while it lasts.

Sa dalawampu’t isang taon ng aking buhay, nagpapasalamat ako sa biyaya ng pananampalataya na naging lakas, gabay at sandalan ko upang malampasan at mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay… hindi ako bumitaw sa pananampalataya… nang dahil sa pananampalataya, natuto akong gumuhit- isang bagay na nagagawa ko hanggang ngayon… nang dahil sa pananampalataya, nakakagala ako sa iba’t-ibang pook, malapit man o malayo upang ibahagi ang mga larawan ng debosyon nating mga Katolikong Pilipino sa pamamagitan ng photography… dahil doon ay marami akong nakilalang kaibigan… sa Malabon, sa Maynila, Sa Batangas, sa Laguna, sa Bicol, sa Hagonoy, sa Pampanga at marami pang iba. Lumawak ang aking kaalaman, nadagdagan ang karanasan at pamilya ng mga kapwa mananampalataya…

Ang araw na ito ay hindi lamang para sa akin…
Para kanino nga ba ako bumabangon? Para sa inyo  :)


PARA SA INYO ‘TO… dahil naging BAHAGI KAYO ng BUHAY KO. 


Angelo C. Mangahas
13 Nobyembre 2015