Thursday, November 1, 2018

Ang Umibig Sa Isang Prinsesa: Santa Ursula ng Binangonan

"Ampunin kami, Santa Ursula"

Ngayon ay unang araw ng Nobyembre, ginugunita ngayon ng Simbahan ang lahat ng mga banal, at ngayon din ay muli akong nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa "blogging". Unang araw ng aking birth month. Inihahandog ko ang aking "comeback post" sa isang natatanging santang nakilala ko: si Santa Ursula ng Binangonan.

Sa bayan ng Binangonan sa Rizal, ay matatagpuan ang bukod-tanging parokya sa Pilipinas na nasa ilalim ng pagkukupkop ni Santa Ursula, birhen at martir. Itinatag ng mga frayleng Pransiskano ang kaisa-isang dambana sa kanyang ngalan na naging tunay nitong tagapagkupkop sa paglipas ng kasaysayan. Minsan nang naipanukala na palitan si Santa Ursula at gawing si San Francisco ang pintakasi ngunit hindi ito natuloy dahil sa matinding unos na inugnay ng mga mamamayan sa pagtutol ng langit na palitan si Santa Ursula. Siya pa rin ang "Prinsesa ng Binangonan".

Ang garing na imahen ni Santa Ursula

Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-21 ng Oktubre. Sa araw na ito, matapos ang Misa Concelebrada sa umaga'y papasanin ang matandang imaheng garing ng santa sa loob ng kanyang trademark na Chinese Cabinet.



Sa pag-indayog nito ay mamamasdan ang tila sayaw at agos sa gitna ng mga hindi magkamayaw na mga deboto, lahat nag-uunahan at nakikipagsiksikan makalapit man lang at maipasan ang minamahal nilang prinsesa. Bukod sa ingay, init at siksikan ay ang basaan sa daan. Bawal ang pikon! Masayang mabasa at maramdamang kabahagi ka ng pagdiriwang ng bayan. Sa tubig, lahat ay magkaugnay. Ang tubig ay buhay. Ang tubig ay nagbibigay-buhay, tulad ng lawa na nagbibigay kabuhayan. Dadalhin si Santa Ursula sa pritil, o  "pantalan" kung saan siya ay isasakay sa bangka para sa kanyang tradisyonal na "pagdoda" sa lawa. Ang kanyang pagoda ay isang masayang pagkakatipon tipon rin ng mga debotong lulan ng kanilang mga bangka na lumiligid sa santa. Maging ang banda ay sakay rin ng isang bangka. Sa pritil naman ay masayang nanood at nag-abang ang mga deboto sa pagbabalik ng santa. Pagkatapos nito'y muli siyang papasananing pauwi sa kanyang dambana.




Nitong nakaraang Oktubre 21 ay mapalad akong nakipamiyesta sa unang pagkakataon. Namangha ako sa aking naging karanasan, at aaminin kong nabighani at napaibig rin ako sa santa kahit sa panandaliang panahon. Anong akit nga ba mayroon ang prinsesa ng Binangonan?


Si Santa Ursula: Birhen at Martir

Si Santa Ursula ay isang prinsesa mula sa kasalukuyang Great Britain at anak ng kristiyanong hari. Ipinagkaloob ng kanyang ama na ipagpaliban ang kanyang kasal sa isang paganong prinsipe nang tatlong taon. Sa loob ng panahong iyon, Si Santa Ursula, kasama ang mga birhen na ayon sa kuwento ay aabot sa labing-isang libo ay nagperegrinasyon sa Europa. Pagsapit nila sa Cologne, Alemanya (Germany) ay napasakamay sila sa mga paganong Huns. Nabighani ang pinuno ng mga Huns sa ganda ng prinsesa at ninais na pakasalan siya. Dahilan sa pagtutol ni Santa Ursula, ito ang naging sanhi upang paslangin siya at ang kanyang mga kasamahan. Nanatiling tapat si Santa Ursula sa kanyang nais na ihandog ang sarili kay Jesus kahit buhay pa niya ang kapalit.


"Prinsesa at Pintakasi ng Binangonan"
Ang Umibig sa "Prinsesa ng Binangonan"

Isang biyaya at himala ang aking encuentro sa "Prinsesa ng Binangonan".Ito'y isang hindi matatawarang karanasan na aking hindi kasasawaang ibahagi. Tunay nga, at siya ay kaakit-akit at kaibig-ibig. Ano pa't nabihag niya ang aking puso sa umagang iyon. Ang kanyang ganda ay tunay na nakakabighani, tulad nang pagkabighani ng pinuno ng mga Huns. Ako rin ay nabighani sa ganda ng prinsesa.

Santa Ursula, maraming salamat sa pagbihag sa aking puso. Ampunin mo akong lagi sa iyong pagkukupkop. Lagi mo sanang dinggin ang aking matamis na pagsuyo, tulad ng tamis ng iyong pagsuyo na  umantig sa akin. Lagi mo akong ipanalangin at ipamagitan sa Panginoon. Pangindapatin nawang matularan kitang lagi, sa iyong dalisay na paghahandog ng sarili sa Panginoon kahit buhay ay ibuwis. Ipanalangin mo pong lagi ang bayan ng Binangonan, ang aking mga kaibigan na naroon. Ako'y patuloy na babalik at babalik sa mahal mong bayan, sa pinili mong tahanan. Patuloy mo po kaming pagbuklurin sa aming pagsinta sa iyo, minamahal naming prinsesa.

Santa Ursula, ipanalangin mo po kami!

Maraming salamat, Santa Ursula!




Mas maraming pang larawan mula sa kanyang kapistahan ang makikita sa aking facebook:
https://web.facebook.com/angelo.mangahas/media_set?set=a.10214921888218963&type=3

Wednesday, November 2, 2016

APUNG MAMACALULU: Ang Santo Entierro ng Angeles

Ang ikatlo at huli sa mga pista sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga tuwing Oktubre ay sa karangalan ni Apung Mamacalulu, ang “Panginoong Maawain”. Siya ang Santo Entierro ng Angeles, at nakadambana sa Pisamban Maragul o “Malaking Simbahan”, ang Parokya ng Santo Rosario.

Iginugunita ito tuwing huling Biyernes ng Oktubre taon-taon. Sinisimulan ito sa pamamagitan ng “traslacion” o paglilipat ng shrine image ng Apu (isang replicang ipinaukit ng Pamilya Dayrit na nakadambana sa kapilyang naging Pang-Arsidiyosesis na Dambana) mula sa kanyang shrine patungo sa Pisamban Maragul, para sa limang araw na “Quinario” (sa halip na siyam na araw ng “Novenario) sa karangalan ng limang sugat ng Panginoong JesuCristo. Sa araw ng kapistahan ay may Misa Concelebrada sa dakong 5:30 ng hapon na susundan ng prusisyon. Kakaiba ito ngunit tila “Biyernes Santo” sa Oktubre ang matutunghayan ng isang dayong mananampalataya. Kasama sa prusisyon ang Mater Dolorosa, San Juan, San Pedro, Santa Maria Magdalena, Santa Maria Salome, Santa Maria Magdalena at ang Siete Dolores.

Maaaring may magtanong, “Bakit tuwing Oktubre? Bakit hindi na lang tuwing Biyernes Santo?”. Ang Fiestang Apu ay nag-ugat sa isang kuwento ng kalamidad ng malakas na pag-ulan minsan sa isang Oktubre. Ang mga mananampalataya ng Angeles ay nagdebosyon sa limang sugat ng Panginoon sa pamamagitan ng isang “Quinario” at matapos niyon at tumigil din ang malakas na buhos ng ulan. Isa pang kuwento ay ang kay Roman Payumu, matapos makaligtas sa kamay ng mga kastilang papatay sana sa kanya habang siya’y nakagapos sa may isang pinto ng Pisamban Maragul. Isang pari diumano ang nakarinig sa kanyang pagsusumamo kay Apu, at nakawala mula sa kanyang pagkakatali at nakatakbo at nagtago sa malawak na tubuhan sa tabi ng simbahan.

Napakalapit rin ng pista ni Apu sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa… isang punto ng pagninilay ni Bishop Ambo nito lamang nakaraang Fiestang Apu, na tila ba’y inaanyayahan tayong tularan si Kristo.. mamuhay tulad ni Kristo, mamatay tulad niya, at mamuhay nang walang hanggan sa piling niya.

"ANG PRUSIYON"


Mapagninilayan din ang pagkakasunod ng Tatlong Kapistahan ng Angeles sa buwan ng Oktubre: Ang Fiestang Angel (Holy Guardian Angel) tuwing ika-2 ng Oktubre, Fiestang La Naval tuwing ikalawang Linggo at ang Fiestang Apu sa huling Biyernes. Sa ating pamumuhay dito sa mundo ay nariyan ang ating mga anghel na tagatanod (guardian angels) upang gabayan at ilayo tayo sa kapahamakan, nariyan ang Mahal na Birheng Maria na Ina rin natin upang tayo’y kalingain at ilapit kay Jesus, at tayong lahat ay tinatawag upang tularan ang pag-ibig ni Jesus. Isang pag-ibig na handang ialay ang sariling buhay.

Tuesday, August 30, 2016

Remembering Fr. Aloy....



"You will never lose your 'first love'"

True enough, that was one of the best life lessons I learned from Fr. Aloy. For me, he has done so much to shape my childhood memories as a Catholic. He was God's instrument in bringing me closer to the Church, the Blessed Virgin Mary and to Jesus. They were my "first love" as a young boy at a tender age of four. 

I may not be old enough to witness Fr. Aloy's full term as our parish priest but the very few memories I have of him when he was still our kura are enough for me to say that he was really a great priest. He was parish priest of our parish, Saints Peter and John, for eleven years from 1988 to 1999. He is a brilliant person who preached with energy, zeal and fervor. I still remember clearly how the floors and walls seem to vibrated at his voice!  On Sundays, I would eagerly wait for his blessing after the Holy Mass. Once I remembered him smiling at me and saying, "Anak, ikaw na naman.". Even though I was still very young then, no more than a toddler, his homilies penetrated my young mind and heart so deeply that until now I carry the values he taught and shared. Holy Week... Good Friday procession of "Paglilibing", Easter Vigil, Marian devotions... Santo Niño... and many more... sa murang edad namulat na ako sa mga ganiyan salamat kay Fr. Aloy :) there was always something to be excited about and at the same time, deeply reflecting on their meanings in our beloved Catholic Faith...

He is best known as the one who beautified our parish church. But of course he did more than that! He taught us to love and serve the church. He taught us the three T's: Time, Talent and Treasure. If you do not have time and talent, but you have treasure, give it to God! If you do not have treasure but God blessed you with talent and time, share it in service of God and the Church! GIVE WHAT IS BEST TO GOD! Fr Aloy inspired us with his deep love and devotion to the Blessed Virgin Mary. Until now, his shout of "Viva Maria! Viva La Virgen!" still echoes in my ears just the way when father was still with us. Who isn't awestruck with the Macarena of Fr. Aloy every Intramuros Grand Marian Procession? She is a real beauty, a fruit of sincere love and devotion which is Fr. Aloy. Who isn't touched with his humility and warmness? Maraming nagmamahal kay Fr. Aloy. Dahil siya mismo ay tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa. Through thick and thin, father showed how it is to trust in Jesus and to pray for Mama Mary's intercession. 

When I was still an active altar server in our parish, I was able to serve two Novena Masses with Fr. Aloy as celebrant. I remember one time I was seated beside him during the first reading,  he touched my hand and whispered into my ear to increase the volume of the sound system. On another occasion during the wake of a close friend, I was able to serve too. That time though, I was the only one to assist him and there was a point when he called me "anak". It was so sweet and sincere, like coming from a father's heart. I will always cherish that memory.

I was also blessed to have my replica images of our patron saints, Peter and John, blessed by Fr. Aloy in June 2014. That was also the first time I invited Rain to come to our novena mass. It was also a joy to welcome a friend into our parish :)



Then came June 2015. Little did we knew that it would be the last time Fr. Aloy would be celebrating Mass in his beloved Saints Peter and John Parish. We had our usual photo-ops with him after the Mass together with friends and co-servants. That was our last picture together :'( But then, the best pictures aren't only those caught on cam, but are the ones captured by the heart. Those memories of Fr. Aloy will always be in my heart... we love you, Fr. Aloy! Maraming salamat po! Mamahalin po namin ang Inang Simbahan, ang aming Parokya... Mamahalin po namin ang Mahal na Birheng Maria, ang ating Inang kumakalinga sa atin... Mamahalin po namin ang Panginoong Jesus... Balang araw ay muli po tayong magkikita, at muli po naming maririnig ang inyong malakas na: "VIVA SAN PEDRO AT SAN JUAN!!!" 

WE WILL NEVER LOSE OUR FIRST LOVE!

Sunday, August 21, 2016

"Alang-alang sa Pag-Ibig": Isang pagninilay


"Wounded by love... It is intolerable for love not to seek the object of its longing... A love that desires to see God."
(St. Peter Chrysologus, Breviary vol. I, p.236-237)

Halos mag-iisang taon na rin mula noong huli akong magpost dito sa aking blog. Maraming nangyari... mga tagumpay at kasawian, mga tuwa at lumbay... maraming biyayang mula sa Panginoon na dapat ipagpasalamat at ipag-ingatan.

Ngayong ika-21 ng Agosto, ay ipagdiriwang ng Paco, sa Parokya ni San Fernando de Dilao ang kapistahan ng Mahal na Poon ng Santo Sepulcro, ang banal na bangkay ng Panginoong Jesus.

Mamamalas natin ang larawan ng Panginoong Jesus na sugatan at walang buhay. Marahil ay iisipin ng iba, bakit kailangang ipagpista ang ganiyang larawan ng Panginoon. Sa kabila ng kamatayan ng Panginoon, ay nagtagumpay Siya para sa atin. Nagtagumpay Siya dahilan sa dakilang pag-ibig Niya sa atin sa kabila ng ating mga kasalanan. Hindi tayo nilimot ng Diyos. Hindi tayo pinabayaan ng Diyos. Hahanapin tayo ng Diyos.. at hindi Siya titigil sa pagmamahal Niya sa atin. God is so deeply in love with us! Hindi Niya ninais na manatili lamang sa langit para iligtas tayo... pumarito Siya... naging ISA sa atin. Dinanas niya lahat ng dinaranas ng isang pagkaraniwang tao. Naging katulad siya natin maliban na lamang sa kasalanan.

Hindi natapos doon ang pagmamahal Niya. Nagpakasakit siya... namatay para sa atin. Sa kabila ng mga kahinaan at pagkukulang natin sa Diyos, nariyan Siya, naghandog ng sarili para sa kaligtasan ng lahat! Bakit ba niya iyon ginawa? Hindi ba't dahil sa pag-ibig? NILIKHA NIYA TAYO DAHIL SA PAG-IBIG. PAG-IBIG MISMO ANG PAG-IRAL NATIN. 

Sinabi ng Panginoon sa Mabuting Balita ngayon na magsumikap tayong pumasok sa makipot na pinto sapagkat marami ang nagnanais makapasok ngunit hindi makapapasok.

Hindi madaling umibig. Kailangang magtiwala... kailangang magpakumbaba... kailangang isantabi ang pansariling kapakanan alang-alang sa minamahal.

Ang pag-ibig ay marunong magsakripisyo.

Wala namang mahirap na hindi kayang mapagtagumpayan ng pagsusumikap. Kapag gusto, maraming paraan, ika nga nila. Hindi madaling magmahal... masakit pero matitiis... mahirap pero kakayanin...
WALANG IMPOSIBLE SA PUSONG UMIIBIG.

WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS. MANALIG TAYO.

Ang kamatayan ni Jesus ay isang tagumpay. Tagumpay laban sa kasalanan... tagumpay laban sa kamatayan... tagumpay tungo sa buhay na walang-hanggan.
TAGUMPAY NG PAG-IBIG.

Ngayong Linggong ito, sa kapistahan ng Mahal na Poon ng Santo Sepulcro, inilalarawan sa atin ng Panginoong Jesus kung paano magmahal, sa pamamagitan ng Kaniyang sariling halimbawa.

PAG-IBIG.




Friday, November 13, 2015

Dalawampu't Isang Taon...


Ika-labing tatlong blog post sa ikalabing tatlong araw ng Nobyembre.... sa aking ika-dalawampu't isang kaarawan ng pagsilang....

Dalawampu’t isang taon.

Dalawampu’t isang taon ng buhay…
pasasalamat…
mga alaala…
mga biyaya…
pagkakaibigan…
pagmamahal...
pamilya…
pananampalataya…
pagngiti o pagluha…
pagtawa at kakulitan…
tagumpay o kasawian…

Dalawampu’t isang taon ng kalinga at pagmamahal ng Panginoon at ng Mahal na Birhen!

Unang pagkakataon ko ito upang maglathala ng blog sa araw ng aking pagsilang. Haaayyy paano nga ba sisimulan?

Nadagdagan na naman ako ng taon. Aba, nakaya kong umiral hanggang ngayon… bakit? Para kanino… para saan ba ako bumabangon? Tanong iyan ng isang patalastas ng kape. Simpleng tanong. Simpleng sagot ngunit may hugot…

Bumabangon ako para sa inyo, Panginoon. Ang buhay ko’y mula sa Inyo. Ang buo kong buhay ay biyayang kaloob… isang himala. Grabe, ang dami-daming tao ngunit heto ako… kasama ninyo… nabigyan ng pagkakataong mabuhay para madama ang pagmamahal ng Diyos! Gamitin Niyo ako bilang kasangkapan ng iyong kalooban… Ang buhay kong alay, maging larawan nawa ng iyong kalinga… mabuhay sana akong nakakapagpukaw sa iba upang makilala ka… Mahal na mahal kita, Jesus! Mahal na mahal kita, Inang Maria! Mula pagkabata ko, hindi niyo ako pinabayaan… ang dami kong dinanas ngunit hindi ako naligaw ng landas. Naging matatag ako dahil alam kong mahal niyo ako…

Bumabangon ako para sa inyo, mga kaibigan ko… Kayo ang bumuo sa akin… naging pamilya kayo para sa akin… sa paaralan man o sa simbahan, maging saanmang dako ng Pilipinas… hindi ko akalain na ang dami niyo pala…  ang dami niyong nagmamahal sa akin… wala na akong hihilingin pang iba… kayo na… kayo na talaga… salamat sa masaya nating samahan… mga kulitan, tawanan at kung anu-ano pa… maging sa panahon ng damayan… iyong pakiramdam na hindi ako nag-iisa dahil nandiyan kayo… mahal ko kayo!

Bumabangon ako para inyo, mga mahal ko sa buhay… Kayo ang naging daan ng Panginoon upang umiral ako… kayo rin ang nagbigay ng buhay para sa akin… kayo ang lakas at inspirasyon ko… kung wala kayo, paano na kaya ako? Maraming salamat sa kalinga, sa pagmamahal, sa pang-unawa, sa lambing… lagi kayong laman ng aking mga panalangin… iniingatan ko kayo sa aking puso… mahal na mahal ko kayo! Ako’y pinagpala na magkaroon ng Papa Rey at Mama Linda, Si Lola Loleng kahit na lubusan ko pa rin siyang namimiss dahil hindi ko na siya kapiling, si Lola Ene na walang sawa mag-asikaso… ng mga pinsan ..mga Tito at Tita…  walang perpektong pamilya ngunit nasa iisang kanlungan tayo ng pagmamahalan.

Ngayong taon rin ako muling bumalik sa pag-aaral. Salamat sa inyo, Ed101 sa masayang samahan… sa tiwala, sa kulitan… mas masayang mag-aral kapag kasama kayo… mag-aral tayong mabuti para sabay-sabay tayong makapagtapos at maging mga gurong huhubog sa kinabukasan ng ating bansa… maging masigasig tayo, habaan ang pasensya, at patuloy na ienjoy the fun while it lasts.

Sa dalawampu’t isang taon ng aking buhay, nagpapasalamat ako sa biyaya ng pananampalataya na naging lakas, gabay at sandalan ko upang malampasan at mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay… hindi ako bumitaw sa pananampalataya… nang dahil sa pananampalataya, natuto akong gumuhit- isang bagay na nagagawa ko hanggang ngayon… nang dahil sa pananampalataya, nakakagala ako sa iba’t-ibang pook, malapit man o malayo upang ibahagi ang mga larawan ng debosyon nating mga Katolikong Pilipino sa pamamagitan ng photography… dahil doon ay marami akong nakilalang kaibigan… sa Malabon, sa Maynila, Sa Batangas, sa Laguna, sa Bicol, sa Hagonoy, sa Pampanga at marami pang iba. Lumawak ang aking kaalaman, nadagdagan ang karanasan at pamilya ng mga kapwa mananampalataya…

Ang araw na ito ay hindi lamang para sa akin…
Para kanino nga ba ako bumabangon? Para sa inyo  :)


PARA SA INYO ‘TO… dahil naging BAHAGI KAYO ng BUHAY KO. 


Angelo C. Mangahas
13 Nobyembre 2015

Sunday, June 7, 2015

Pistang Pagpapanaog, Pista ng Pagpapala (Ang Huling Lupi 2015)


Sumapit din ang huling lupi para sa taong 2015. Tumapat ito sa Mayo 24, araw ng Linggo. At mas naging makabuluhan ito dahil sa mga nayaya kong mga kaibigang sina Ate Jovie at Ate May Ann. Matagal na naming naiplano at tunay na pinanabikan namin ang araw na iyon at ayun na nga, natuloy din. 

Ate May Ann at Jovie

Pagkakataon rin na makasama ang mga kaibigang sina Kuya Glenn, Kel, Gabriel Pensotes, Gian, Kuya Patrick, JM, Istop, Erico, JM Garcia, Gabriel Victorino at iba pa. Isa na rin itong masayang patitipon ng mga deboto ng Mahal na Birhen ng Turumba, tulad ng bawat lupi.

Ibinahagi ng pari sa kaniyang sermon ang pagninilay niya sa bawat lupi, at ngayon sa huling lupi, na laging tuwing Linggo ng Pentekostes at ang “pagpapala”, tulad ng pagpapalang dulot ng Espiritu Santo. Tayo ba matapos ng mga samu’t saring karanasan ng buhay ay nakakapansin sa biyaya at pagpapala ng Diyos? Ang mga pinagdaanan ba ay naging balakid upang matanto na lahat ay biyaya pa rin? Tularan natin ang Mahal na Ina, na tahimik na sumubaybay sa mga pangyayari at dahilan sa kaniyang katatagan at pananalig ay nakamit niya ang pagpapala ng Diyos. Kay gandang pagnilayan bilang panapos sa mga lupi. “Culmination”, ika nila. At siyempre pagkatapos ng misa, ang prusisyong “libot-bayan” na bagamat napaka-init ay di alintana ng mga deboto alang-alang sa kanilang sinisintang ina.

Kami habang naghihintay sa pagbalik ng Birhen. Kuha ni Kuya Glenn.

Pagpasok ng Birhen, namuno ang pari sa isang panalangin na sinundan ng pag-awit ng pamamaalam. At kahit ilang beses na rin nakiisa sa lupi, hindi nakakasawa ang eksenang iyon. Lalong lumalalim ang nadaramang emosyon at kitang-kita mo iyon sa mga tao. Walang kupas... lalong umaalab na pagsinta sa Mahal na Birhen ng Hapis ng Turumba.

Masaya ako para kina Ate Jovie at May Ann, dahil nag-enjoy sila nang husto at damang-dama nila ang biyayang hatid ng pakikiisa sa Huling Lupi. Mabunga... sobrang mabunga ang araw na iyon.  Nakapag-bonding pa kami kasama sina Kuya Glenn. Samahan pa ng masarap at malamig na halu-halo bago bumalik ng Maynila. Iyon ay alaalang paka-iingatan ko lagi sa aking puso. Ang Bawat lupi ay isang panibagong karanasang puno ng pagpapala ng Maykapal sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria. Pistang Pagpanaog... Pistang Pagpapala!



Hanggang sa muling pagpunta sa Pakil... SA BIRHEN!!!



Tuesday, April 21, 2015

Cardinal Chito: We are an Easter People


Being employed in the Archdiocese of Manila, we are privileged to have our yearly "date" with Cardinal Chito on Easter Mondays. We would attend mass and have breakfast together with parish employees followed by a raffle. A time to to have fun after a busy Holy Week.

Cardinal Chito shared in his homily that we are an "Easter People". We should be images of the Risen Christ. We must share the good news of the Resurrection. As church workers, we should be examples of the resurrection. In whatever service we do, whether in a ministry or in the parish office, we should always be lively and positive. Even if we encounter different kinds of people in our service, we should and we must be reflections of Jesus, who died but rose again. That is the faith we profess. Let's live it. Let's share it.